MANILA, Philippines - Matapos ang halos na dalawang buwan sa kamay ng mga kidnaper na Abu Sayyaf ay pinalaya na ang biktimang si Remegio Lingayan, nakabase sa Zamboanga City.
Batay sa ulat, bandang alas-12:20 ng tanghali ng pakawalan ng mga kidnappers ang bihag sa Brgy. Bunot, Indanan, Sulu.
Nasabat naman ng tropa ng Philippine Marines si Lingayan habang pagod na pagod na naglalakad sa nasabing lugar na agad dinala sa Sulu Provincial Hospital para sumailalim sa medical checkup.
Magugunita na si Lingayan at ang bayaw nitong si Joselito Gonzales ay dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Hunyo 5 may Sitio Baunoh sa hangganan ng Brgy. Timbangan at Brgy. Kan islam, Indanan, Sulu.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang napaulat na pagbabayad umano ng P500,000 board and lodging sa mga kidnapers ng pamilya ng biktima kapalit ng kalayaan nito.