MANILA, Philippines - Nalambat ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawa umanong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isinagawang operasyon sa bayan ng Parang, Maguindanao.
Kinilala ang mga suspek na sina Raffy Salilama at Urak Salazar na pawang residente ng nabanggit na lugar.
Nahuli ang mga suspek sa aktong tinatanggap ang bayad sa poseur buyer ng isang PDEA agent.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang handgun at isang plastic sachet ng shabu at kanilang MILF ID cards.
Kinasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.