^

Police Metro

140 bahay sa Parola, natupok

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 250 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos lamunin ng apoy ang may 140 kabahayan sa naganap na sunog kahapon ng madaling-araw sa Parola, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng  Manila Fire Bureau-Arson Division, dakong ala-1:31 ng madaling-araw nang magsimula ang apoy sa hindi matukoy na bahay na umano ay dahil sa natabig na gasera.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Nahirapang pasukin ng mga trak ng bumbero ang lugar dahil bukod sa masikip ang kalye ay  marami ding nakahambalang sa daan.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog na tumagal ng halos apat na oras bago ito tuluyang naapula.

Nasa P1 milyon na­man ang halaga ng pinsala habang isang residente na kinilalang si Ariel Sanchez ang nasugatan sa tuhod matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay para makatakas sa sunog.

vuukle comment

ARIEL SANCHEZ

MABILIS

MANILA FIRE BUREAU-ARSON DIVISION

MAYNILA

NAHIRAPANG

PAROLA

TASK FORCE ALPHA

TINATAYANG

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with