4 minero nalason sa minahan

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang 4 minero matapos na sila ay makalanghap ng nakakalasong kemikal mula sa sumabog na dinamita sa tunnel ng isang minahan ng ginto kamakalawa sa bayan ng Maragusan, Compostela Valley.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Emma­nuel Casanova, Nestor Aque, Rocky Bayer at Jhony Caylan.  

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay kasalukuyang abala sa paghuhukay sa minahan ang mga minero sa tunnel ng isang small scale mi­ning sa Brgy. Pamintaran ng nasabing bayan nang sumabog ang dinamita sa loob ng tunnel.

Bunga nito ay nahilo ang mga biktima matapos na makalanghap ng nakalalasong kemikal na kumalat sa minahan sanhi ng pagsabog.

Agad nagresponde sa lugar ang search and rescue team at naiahon ang apat na minero, pero nabigo ng maisalba ang buhay ng mga ito sa pagamutan.

Show comments