^

Police Metro

LTFRB naglabas ng kautusan... driver na may ‘putok’ parurusahan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maaaring maparusahan ng batas at pagmultahin pa ang mga pampasaherong driver sa buong bansa partikular sa Metro Manila kapag napatunayan na may  “putok” ito o bad odor.

Sa ipinalabas na memo­randum circular number 2011-004 ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) kung  ang isang driver na may “putok” ay maaaring magmulta ng P2,000 sa unang offense, P3,000 multa  sa second offense na may suspension ng 2 buwan ang pagpasada ng sasakyang minamaneho nito at pagkumpiska sa plaka ng sasakyan at sa 3rd offense naman ay may multang P5,000 at kanselasyon ng prangkisa ng sasakyan.

Sinabi ni LTFRB board member Ronaldo Corpus, karaniwan ng walang  driver ang napaparusahan nito kung may putok dahilan sa wala namang nagrereklamo sa ahensiya hinggil dito.

Sinabi din ni Corpus na kasama din sa usaping ito ang pagiging malinis sa mga kuko, pagbabawal na magsuot ng tsinelas, shorts at sando gayundin ang  pag-iwas sa paninigarilyo ng mga PUV driver habang namamasada.

Sa pampasaherong jeepney driver anya ay dapat na nakapantalon at kulay blue na polo shirt at nakasapatos o sandals na panlalaki na may suot na medyas ang kasuotan, kulay puti namang polo sa mga driver ng bus, taxi at AUV at kahit anung kulay ng pantalon.

DRIVER

KULAY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MAAARING

METRO MANILA

RONALDO CORPUS

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with