Bank accounts ni Luy atbp. bubusisiin

MANILA, Philippines - Nakatakdang busisiin ang bank accounts ng mga whistleblowers ng pork barrel scam tulad ng principal witness na si Benhur Luy nang magpalabas ng subpoena ang Sandiganbayan first division para magkaroon ng access  ang graft court  sa bank accounts ng mga whistleblowers.

Ito ang naging sagot  ng korte sa kahi­lingan ng abogado ni Janet Lim Napoles na si Atty. Stephen David para matiyak kung may nakaw na yaman ang naturang mga witnesses sa pork scam.

Sinasabing si  Luy ay may 19 na bank accounts, Arthur Luy-3 bank accounts, Gertures Luy-2 bank accounts, Merlina Sunas-3 bank accounts at  Marina Sula-3 bank accounts.

Ang nasabing mga whistleblowers ay sinasabing naging malapit kay Napoles at naging tauhan nito sa mga pekeng NGO.

Show comments