^

Police Metro

Goodbye ‘Henry’, hello ‘Inday’?

Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na lumabas ng bansa kahapon si bagyong Henry na patungong Taiwan ay namataan naman ang magkasunod na low pressure area (LPA) na nagbabanta na pumasok.

Ayon kay Buddy Javier, weather specia­list ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), na as of 11 am kahapon  ay  patuloy na binabantayan  ang isang LPA na nasa may 1,140 kilometro ng silangan ng Southern Luzon, subalit hindi anya ito magiging ganap na isang bagyo.

Ang pinangangambahan nila ay kasunod nitong isa pang LPA na  ang maaaring pumasok sa bansa na may taglay na lakas na maaaring ma­ging ganap na bagyo dahil sa laki ng cloud cluster, malaki ang movement at mas aktibo ang pag-ikot.

Posible, anya na sa susunod na 2 hanggang 3 araw ay mararamdaman ito sa bansa at kapag na­ging bagyo ito ay tatawaging “Inday” at inaasahang papasok sa silangang bahagi ng Bicol Region.

Hindi pa naman anya niya masasabi na sinlakas ito ni bagyong Glenda na isa ring babae ang pangalan, subalit dapat ay maghanda at mag-ingat.

Maging si Department of Interior and Local Governmen (DILG) Secretary Mar Roxas ay naghikayat sa publiko na maging alerto sa maaaring pagbuhos ng malakas na ulan at pagbaha dulot ng nasabing panibagong bagyo.
Hinikayat din ni Roxas ang bawat may-ari ng bahay na maghanda ng balde na paglalagyan ng mga emergency supplies, tulad ng inumin, mga delata, tuwalya at blanket, na importanteng pangangailangan kapag may emergency situations.

AYON

BICOL REGION

BUDDY JAVIER

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

GLENDA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SECRETARY MAR ROXAS

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with