Bangketa inararo ng jeep: 11 sugatan
MANILA, Philippines - Nasugatan ang 11 katao na nasa bangketa matapos na sila ay araruhin ng isang pampasaherong jeep kamakalawa sa tapat ng Philippine General Hospital sa kahabaan ng Taft Avenue, Maynila.
Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Christina S. Ponia, 66; Jan Ynay T. Quiz, 20; Daisy Alip, 35; Marcelo Brinces, 46; Rhael De Guzman, 26; Lourdes Piloton, 37; Petronilo Piloton, 36; Lucy Dela Peña, 56; Rosielyn Agapito, 35;Robielyn Agapito; at Francisco Mendez, 55.
Sa salaysay ng isang Emil A. Tema, mabilis umano ang takbo ng jeep (NYD-675) nang biglang sumulpot ang ambulansya palabas ng PGH kung kaya’t umiwas ang hindi pa nakikilalang driver at inararo ang mga biktima na kasalukuyang nasa bangketa.
- Latest