Guro inatado nang saksak ng basted na manliligaw

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang guro matapos na siya ay pagsasaksakin ng bi­nasted nitong manliligaw kamakalawa sa Upper Cabatangan, Zamboanga City.

Ang biktima ay kinila­lang si Adelita Estiban, 48, dalaga, guro sa Elementary School sa Upper Cabata­ngan ng lungsod at dinala sa Brent Hospital.

Agad din nadakip ang suspek na si Armando Santiago,  nasa hustong gulang  at residente sa nasabing lugar.

Sa ulat, dakong a­las-6:45 ng umaga ay kabababa lang ng biktima sa motorsiklo nang salubungin at undayan nang sunud-sunod na saksak ng suspek gamit ang screw driver.

Nahinto lamang ang pananaksak ng suspek sa biktima nang  makares­ponde ang mga nakakita sa pangyayari.

Lumalabas na hindi matanggap ng suspek na binasted siya ng guro sa kaniyang panliligaw kaya’t pinagsasaksak ito.

Show comments