Guro inatado nang saksak ng basted na manliligaw
MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang guro matapos na siya ay pagsasaksakin ng binasted nitong manliligaw kamakalawa sa Upper Cabatangan, Zamboanga City.
Ang biktima ay kinilalang si Adelita Estiban, 48, dalaga, guro sa Elementary School sa Upper Cabatangan ng lungsod at dinala sa Brent Hospital.
Agad din nadakip ang suspek na si Armando Santiago, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga ay kabababa lang ng biktima sa motorsiklo nang salubungin at undayan nang sunud-sunod na saksak ng suspek gamit ang screw driver.
Nahinto lamang ang pananaksak ng suspek sa biktima nang makaresponde ang mga nakakita sa pangyayari.
Lumalabas na hindi matanggap ng suspek na binasted siya ng guro sa kaniyang panliligaw kaya’t pinagsasaksak ito.
- Latest