MANILA, Philippines - Nakarandam ng 4.5 magnitude na lindol ang mga residente ng Bohol kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang naturang pagyanig, ganap na alas-6:21 ng umaga.
Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong tatlong kilometro sa hilagang silangan ng Catigbian, Bohol.
May lalim ang lindol na siyam na kilometro na tectonic ang pinagmulan nito.
Naramdaman ang intensity 4 sa Catigbian, Bohol; intensity 3 sa Cebu City; Sagbayan, Tagbilaran City, Tubigon at Clarin Bohol; habang intensity 2 sa Inabanga, Bohol.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasirang ari-arian sa nasabing pagyanig.
Ang Bohol ay kabilang sa napinsala ng tumama ang 7.2 magnitude na lindol noong nakaraang taon.