SNPL at FPPL ng GSIS magtatapos na

MANILA, Philippines - Hanggay Hulyo 24 na lamang ang programang “Study Now, Pay Later (SNPL)” at Fly PAL, Pay Later (FPPL) ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa kanilang mga miyembro na may utang para makapag-apply sila ng “condonation”.

Sa ilalim nito, walang babayarang “surcharges” ang lahat ng may utang sa dalawang programa kung babayaran ng buo ang balanse.

Sa oras na nakapagsumite ng aplikasyon para sa “condonation”, bibigyan ang bawat miyembro ng tatlong buwan para mabayaran ng buo ang prinsipal na balanse.

Unang ipinatupad ang programang SNPL noon pang 1976 na nilahukan ng programang “Educational Assistance Loan (EAL)” noong 1988; at naisabatas sa pamamagitan ng Republic Act 8545 noong 1998 para tumulong sa edukasyon ng mga estudyante at mga guro.

Nilikha naman ang programang FPPL noong 1978 at nagtapos noong 1989 ngunit marami ang hindi nakapagbayad ng kanilang pagkakautang.

Pinadalhan naman ng liham ng GSIS ang lahat ng may pagkakautang para mabigyan sila ng tsansa na mabayaran ito.

 

Show comments