Labi ng lalaki lumutang sa Pasig River

MANILA, Philippines - Lumutang sa Pasig river ang bangkay ng isang  lalaki na pinaniniwalaang inanod lamang sa bahagi ng Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, namamaga na ang katawan ng biktima na posibleng may dalawang araw nang nakababad sa tubig, na inilarawan sa edad  na 20-25, nakasuot ng dirty white na t-shirt, shortpants na itim at may sinturon.

Wala namang nakitang sugat o indikasyong pinahirapan ito.

Teorya ng pulisya na maaaring tinangay lamang ng agos sa area ng Binondo ang katawan ng biktima dahil hindi ito kilala sa lugar.

Dinala ang bangkay sa Archangel Michael Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

 

Show comments