^

Police Metro

Grade 4 student, nangalakal sa ilog nalunod

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa kahirapan sa buhay at pagnanais na kumita ng konting barya sa pamamagitan ng pagkuha ng mga mapapakinabangan na kahoy sa seawall ng Manila bay ay minalas namang madulas, mahulog at masawi ang isang estudyante sa Moreta Compound, Tondo Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Christian Cernal, 13 anyos, grade 4 student ng General Vicente Lim Ele­mentary School at residente ng Riverside 1, North Harbor, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Richard Limuco ng Manila Police District-Homicide Section, nagpaalam umano sa kanyang lola na si Rosalea, 66  anyos, ang biktima  dakong alas-8:00 ng umaga  kamakalawa na mangangalakal ng ano mang mapapakinabangan na kahoy sa Manila Bay pero hindi na nakauwi pa.

Hinanap ang biktima hanggang sa makita ang bangkay nito kahapon ng umaga na lumulutang sa ilog na posible umanong nadulas at nalunod.

Sinasabing madalas nangangalakal ang biktima at ibinebenta ang ano mang nakukuha at iyon ang kanyang nagsisilbing baon pagpasok sa paaralan.

Ang bangkay ng estudyante ay dinala sa St. Rich Funeral Homes para sa kaukulang awtopsiya.

 

CHRISTIAN CERNAL

GENERAL VICENTE LIM ELE

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MORETA COMPOUND

NORTH HARBOR

RICHARD LIMUCO

ST. RICH FUNERAL HOMES

TONDO MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with