MANILA, Philippines - Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na huwag kainin ang mga shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa mga baybayin ng Masbate, Palawan at Samar dahil sa ito ay may mataas na lason ng red tide.
Natuklasan ang red tide toxin nang magsagawa ng water sampling at napatunayang mataas ang red tide toxicity level sa mga baybayin ng Mandaon, Masbate, Ilong-ilong Bay Samar, Maqueda Bay, Samar, Villareal Bay, Samar gayundin sa Honda Bay Puerto Princesa, Palawan.
Patuloy pa rin ipinagbabawal ang shellfish na nakukuha mula sa Bataan coastal water laluna sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal dahil mataas pa rin ang lason ng red tide doon.
Tinagubilinan ng BFAR ang mga local chief executives ng naturang mga lugar na huwag pabayaan na makarating sa mga palengke ang naturang mga shellfish.