MANILA, Philippines - Naglabas na ang Sandiganbayan ng suspension order laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kanyang kasong plunder may kinalaman sa pork barrel scam.
Inisyu ng Sandiganbayan-5th Division ang 90-days suspension laban kay Estrada bilang tugon sa rekomendasyon ng Office of the Ombudsman.
Ipinaliwanag ng Ombudsman na alinsunod sa batas, ang mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa kasong plunder ay dapat na suspendihin sa serbisyo para bigyang daan ang pagbusisi ng graft court sa kaso nito.
Bumuwelta naman agad ang depensa at sinabi ni Atty. Alexis Abastillas, abogado ni Estrada na magsasampa sila ng motion for reconsideration para ipatigil ang kautusan ng graft court laban sa kliyente.