AFP ibinasura ang demand ng NPA kapalit ng kalayaan ng 4-pulis na bihag

MANILA, Philippines - Hindi pinatulan ng AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) ang hiniling na demand na pullout ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kapalit ng pagpapalaya sa 4-bihag na pulis sa lalawigan ng Surigao del Sur .

 Ayon kay AFP-Eastmincom Spokesman Captain Alberto Caber, wala sa polisiya ng militar ang maki­pagnegosasyon sa mga rebelde.

Kabilang sa apat na bihag na pulis ay kinila­lang  sina PO3 Vic Concon, PO1s Rey Morales, Joen Zabala at Edito Roquino; pawang kasapi ng Alegria Municipal Police Station (MPS) na nabihag matapos salakayin ang Alegria Municipal Police Station (MPS) noong Hulyo 10 kung saan dalawang pulis ang nasugatan at 3 rebelde ang napatay.

“If they want to release the policemen, they can do it without condition”, wika ni Major Gen. Ricardo Visaya, Commander ng  Army’s 4th Infantry Division.

 

Show comments