MANILA, Philippines - Matroon ng kuryente ang kostumer ng Manila Electric Company (MERALCO) hanggang nitong alas-11:00 ng umaga kahapon.
Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, 81% naman na kanilang kostumer sa Metro Manila ang naibalik na rin ang suplay ng kuryente.
Kabilang sa mga lugar na wala pang kuryente sa National Capital Region (NCR) ay ang area ng Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), ilang bahagi ng Quezon City, Parañaque City, Alabang, Muntinlupa City at ilang bahagi ng Maynila.
Nasa 99.98% naman ng franchise area ng Meralco sa Quezon province ang wala pa ring suplay ng elektrisidad, gayundin ang 97% ng consumers sa Batangas, 66% sa Cavite, at 66% sa Laguna.
Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na ang kawalan ng suplay ng kuryente sa southern Luzon ay sanhi ng pinsala sa distribution facilities ng mga local distribution utilities sa lugar.
Tiniyak naman ni Zaldarriaga na doble-kayod na ang mga tahanang MERALCO para maibalik kaagad ang suplay ng kuryente sa lahat ng
kanilang nasasakupan.
Nitong Miyerkules, umabot sa 90% ng franchise area ng Meralco ang nawalan ng suplay ng elektrisidad matapos ang pananalasa ng bagyong Glenda. Kinailangan ding magpatupad ng MERALCO ng 3-hour emergency rotating brownouts kahapon sa ilang lugar dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga
planta sa south area na makapag-generate ng kuryente dahil sa transmission outages.
Apektado ng naturang rotating brownout ang ilang bahagi ng Maynila, Makati, Quezon City, Bulacan at Pasay.