MANILA, Philippines - Isa na namang bagyo ang posibleng pumasok sa Pilipinas matapos ang pagbayo ng bagyong Glenda sa Luzon.
Sinabi ng PAGASA kahapon na kanilang mino-monitor ang low pressure area na nakita sa 1,090 kilometers east ng Visayas.
Kung hindi magbabago ang LPA ay maaari itong pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Biyernes o Sabado at tatawaging bagyong Henry.
Ayon kay Fernando Cada, weather forecaster ng PAGASA masyado pang malayo sa bansa ang naturang LPA kaya’t wala pang makapagsasabi na ito ay magiging sinlakas ng bagyong Glenda.
Kung ito ay maging ganap ng bagyo ay hindi naman ito tatama sa kalupaan at mahina ang dala nitong hangin.