^

Police Metro

Number coding balik-uli

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Balik na uli ngayong araw ang number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing kalsada sa pagbabalik sa normal na panahon.

Magugunita na kahapon, sinuspinde ang number coding dahil sa pagtama ng bagyong Glenda sa Metro Manila na ang karamihang kalsada ay binaha.

Kabilang sa binahang mga kalsada ang malaking bahagi ng EDSA kasama ang Guadalupe-Estrella southbound (leg deep), Orense-Estrella (leg deep), EDSA Boni (ankle deep), C5 Palar-C5 SM Aura (half tire deep), Araneta Ave.-Ma. Clara sa Quezon City (waist deep) at mga kalsada sa Rizal Ave. sa Caloocan at Taft Ave. sa Maynila.

Sa Makati City, apat na sasakyan ang napinsala nang mabagsakan ng isang puno.  Isang Toyota Altis, Mitsubishi Adventure at isang Honda CRV na pawang nakaparada sa may Lapu-lapu St. sa Brgy. Magallanes ang nabagsakan ng dambuhalang puno.

Tinamaan din ang unahan ng isang Hyundai Starex na dumaraan sa kalsada.  Masuwerteng hindi naman nasapul ang driver nito na hindi nagtamo ng pinsala.

ARANETA AVE

HYUNDAI STAREX

ISANG TOYOTA ALTIS

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MITSUBISHI ADVENTURE

QUEZON CITY

RIZAL AVE

SA MAKATI CITY

TAFT AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with