Mag-ina nasapol ng kidlat
MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang mag-ina matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng malalakas na pagkulog sa Sitio Amaralina, Brgy. Pantalan, Nasugbu, Batangas kamakalawa ng hapon.
Halos nasunog ang mga katawan ng mag-ina na sina Mercedez Baral- Grumal, 45 anyos at anak nitong si Anthony Grumal, 18-anyos; pawang residente sa lugar.
Sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad ang mag-ina sa nasabing lugar pauwi sa kanilang bahay sa kasagsagan ng malalakas na pagkulog na sinundan ng malakas na kidlat na sa kamalasan ay tumama sa kanila.
Pinag-iingat naman ng mga lokal na opisyal ang mga residente partikular na sa kapag masungit ang panahon upang makaiwas sa panganib.
- Latest