MANILA, Philippines - Umaabot sa P50,000 halaga ng labing-anim na plastic sachet ng shabu ang nasamsam sa isang pagsalakay na isinagawa kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling nang magsagawa nang pagsalakay ang pulisya sa isang bahay sa Maginhawa St., Barangay 14 sa bisa ng search warrant na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court.
Mabilis na nakatakas ang mga tao sa bahay na kung saan ay naiwan ang 16 pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Isinagawa ang operasyon base na rin sa ilang reklamong kanilang natatanggap hinggil sa talamak umano ang droga sa naturang lugar.