2 Impeachment complaint ihahain na vs P-Noy

MANILA, Philippines - Sa loob ng linggong ito ay nakatakdang ihain ng militanteng grupo sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Kabataan partylist Rep.Terry Ridon, posibleng sa Huwebes ihain nila ang impeachment complaint habang ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)naman ay sa Miyerkules maghahain.

Ayon kay Ridon, minimum na dalawang complaints ang ihahaing reklamo ng Makabayan bloc na i-eendorso ng mga kongresista ng Bayan Muna at Gabriela habang sa kanila naman ay ang Kabataan partylist ang mage-endorso.

Dalawa ang magiging basehan ng reklamo ng grupo kabilang dito ang culpable violation of the constitution at betrayal of public trust na umanoy pinakamalakas na ground dahil sa isyu ng paggamit ng pondo ng Disbursement Accelaration Program (DAP).

Show comments