Nang-agaw sa motor ng pulis, napatay

MANILA, Philippines - Nagkamali ang tatlong lalaki na agawan ng motorsiklo ang isang rider na nagkataon na isa pa lang pulis kung kaya’t nagkaroon ng barilan na ikinasawi ng isang suspek naganap kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Walang nakuha na anumang identification cards sa pagkakakilanlan sa napatay na suspek.Habang ang dalawang kasama nito ay tinutugis na ng pulisya.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi ay sakay ng kanyang motorsiklo at papasok sa kanyang
trabaho si PO1 Carlo Ambrosio, 29, nakatalaga sa Special Reaction
Unit ng Public Safety Battalion ng National Capital Region Police
Office (NCR) nang hara­ngin siya ng mga suspek sa Kaalinsabay St., Barangay
Manggahan, Pasig City.

Tinutukan ng baril ang pulis na noon ay hindi pa nakauniporme
at sapilitang tinangay ang kanyang motorsiklo.
Habang papaalis ang mga suspek tangay ang motorsiklo ay mabilis na bumunot ng kanyang
service firearms ang pulis at pinaputukan ang mga suspek at tinamaan ang isa na nagresulta ng pagkamatay nito habang nakatakas ang dalawang kasama.

Show comments