Obrero una ang ulo na bumagsak

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos na ang ulo nito ay unang bumagsak sa semento nang madulas sa bubungan ng isang pabrika sa Caloocan City kama­kalawa ng hapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Jayson Beleber, 30, ng Kagitingan St., Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay umakyat sa bubungan ng Malinta Corrugated Box Manufactured Corporation  sa Libis,  Baesa nang madulas ito  dahilan upang mahulog na una ang ulo sa semen­tadong sahig.

Inaalam pa ng pulisya kung bakit nasa bubungan ng naturang pabrika si Beleber.

 

Show comments