^

Police Metro

Road rage: 2 pulis nagbarilan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa away trapiko ay nagbarilan ang dalawang pulis sa bahagi ng Herbosa St., Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang dalawang pulis ay kinilalang sina PO1 Liderato Cruz, 32-anyos, may-asawa, nakatalaga sa Southern Police District (SPD) at residente ng no. 115 Hernandez St., Tondo, Maynila at PO3 Dennis Santiago, 43-an­yos, nakatalaga sa District  Public Safety Battalion sa head­quarters  ng Manila Police District (MPD).

Hindi pa malinaw sa pulisya ang tunay na motibo  nang pagbabarilan ng dalawang pulis at sinasabi lang ng mga ito na nagkagitgitan sila sa kalye dakong alas-2:10 ng madaling-araw sa  panulukan ng Herbosa at Juan Luna Sts., Tondo habang lulan ng kanilang motorsiklo.

Ang dalawang pulis ay dinala sa Mary Johns­ton Hospital na kung saan si Cruz ay nagtamo ng multiple gunshot wounds habang isang tama lamang ng bala sa kanang hita ang natamo ni Santiago.

Iniimbestigahan din kung bakit 9mm na kalibre ang baril na ginamit ni Cruz at  hindi ang kaniyang service firearm.

 

vuukle comment

CRUZ

DENNIS SANTIAGO

HERBOSA ST.

HERNANDEZ ST.

JUAN LUNA STS

LIDERATO CRUZ

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JOHNS

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with