MANILA, Philippines - Dahil sa pagbabalik ng lisensiya bilang doktor ni Hayden Kho ay binuweltahan ng grupong Gabriela ang Professional Regulation Commission (PRC).
Sinabi ni Gabriela Womens partylist Rep.Luzviminda Ilagan, dahil sa bigat ng kasalanan ni Kho ay inaasahan nila na habang buhay na ang ban ng pag-practice nito ng kanyang propesyon.
Anya, masyadong madaling makalimot ang PRC at mabilis magpatawad sa nagkasala, subalit papaano na umano ang naging biktima ni Kho.
Lumalabas lamang umano na pinapaboran sa bansa ang maiimpluwensya at kadalasang naisasantabi ang hinaing ng mga naging biktima nito.
Nangangamba naman si Joms Salvador, Secretary General ng Gabriela Philippines na ang kaso ni Kho ay magbigay pa ng dangerous example para sa iba na gumawa pa ng paglabag sa karapatan ng kababaihan.