^

Police Metro

2 illegal recruiter hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng korte sa dalawang empleyado ng isang immigration consultancy firm matapos mapatunayan na nagkasala ang mga ito sa kasong large scale illegal recruitment.

Sa ulat ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kabilang sa pinatawan ng life imprisonment ni Baguio City Regional Trial Court (RTC) Branch 3 Judge Rose Mary R. Molina-Alim ay sina Rodolfo A. Domingo Jr. at Roliza S. Batag.

Ayon sa korte ang dalawa ay napatunayang guilty sa
recruitment ng mga overseas Filpino workers (OFWs) nang walang ka­u­­kulang otorisasyon mula sa POEA.

Ang dalawa ay sinampahan ng kaso ng 41 complainant, na karamihan ay mula sa Baguio City.

Sa reklamo ng mga complainant, nangolekta ang mga akusado mula sa kanila ng placement fees  mula P35,000 hanggang P170,000 kapalit ng pangakong trabaho bilang domestic helpers sa Canada; but­chers, factory workers at civil engineers sa Australia; at electronic technicians para sa South Korea na may suweldong mula P60,000 hanggang P130,000.

AYON

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY REGIONAL TRIAL COURT

DOMINGO JR.

JUDGE ROSE MARY R

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

RODOLFO A

ROLIZA S

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with