Mister todas sa tandem
MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 32-anyos na lalaki nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Zamboanga City kamakalawa.
Ang nasawi ay kinilalang si Prince Bayabos, 32-anyos, na nagtamo ng bala sa ulo at dibdib.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa naturang pagamutan ang pamangkin nitong si Sabrina Bayabos, 1-anyos at anim na buwan na nasugatan sa tiyan.
Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong motorcycle riding in tandem ang biktima sa kahabaan ng MC Enriquez Drive, Don Alfaro St. Brgy. Tetuan ng lungsod.
Nabatid na nagtungo sa lugar si Bayabos kasama ang pamangkin nang sumulpot sa lugar ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pagbabarilin ang biktima at nadamay ang bata.
- Latest