DAP iimbestigahan ng Senado

MANILA, Philippines - Kahit pa nakinabang ang ilang senador sa kontro­bersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) ay magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Senate Committee on Finance.

Ito ang tiniyak kahapon ni Senator Francis Escudero, na isa sa mga sinasabing nakatanggap ng malaking pondo mula sa DAP.

Ayon kay Escudero, na-postpone lamang ang kanilang imbestigasyon noon dahil hinihintay nila ang desisyon ng korte.

Hiniling na umano nila sa Department of Budget and Management (DBM) ang listahan ng mga appropriations at allocations bagaman hindi magkatugma ang lumalabas sa diyaryo at ang ibinigay sa kanila ng ahensiya.

Dahil aniya sa nakitang discrepancy ng komite ay ipagpapatuloy ng komtie ang imbestigasyon.

 

Show comments