^

Police Metro

DepEd: Walang cell phone ban sa eskwelahan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ng Department of Education na walang silang kautusan total ban ng  cell phones sa mga eskwelahan matapos mamatay ang isang estudyante nang mahulog sa hagdanan ng kanilang eskwelahan  sa Pasig City habang nagse-selfie.

 “We allow cell phones in school but their use is regulated,especially inside the classroom and during public gatherings,” wika ni DepEd Secretary Armin Luistro.

Naglabas ng pahayag si Luistro matapos na mamatay si Christine Rosello, 14, third year high school student na nahulog mula sa  ikatlong palapag ng Rizal High School habang nagse-selfie photo noong Hunyo 30.

Bumuo na si Luistro fact-finding team para maimbestigahan ang pagkamatay ni Rosello, na kung saan ay inamin ng pamilya na ito ay may history ng pagkahilo.

Nabatid na kasama ni Rosello ang classmate na si Hanah Jane Calces ng maganap ang aksidente habang nagse-selfie gamit ang cellphone ng huli.

Lumalabas sa resulta ng otopsiya na nagtamo si Rosello ng pagkabali ng mga buot at sugat sa likod ng ulo at ang nabaling buto ay tumusok sa kanyang baga.

 

vuukle comment

BUMUO

CHRISTINE ROSELLO

DEPARTMENT OF EDUCATION

HANAH JANE CALCES

HUNYO

LUISTRO

PASIG CITY

RIZAL HIGH SCHOOL

ROSELLO

SECRETARY ARMIN LUISTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with