Impeachment vs. PNoy, isinumite na!
MANILA, Philippines - Naisampa na ni Atty. Oliver Lozano ang kopya ng impeachment complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino.
Ngunit sa halip na ihain ito ni Lozano sa tanggapan ng Secretary General ng Kamara ay dinala ito sa Office of the Ombudsman at sa tanggapan ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon isinumite.
Pinaliwanag ni Lozano na hindi niya sinunod ang normal na proseso ng filing ng impeachment complaint na idinadaan muna sa tanggapan ng Secretary General dahil karaniwang ibinabalik lamang sa kanya ang reklamo kaya diniretso na kay Ridon dahil na rin pabor ito na ma-impeach ang Pangulong Aquino kaya umaasang iindorso nito ang reklamo.
Ilan sa mga ground ng impeachment complaint ni Lozano ay betrayal of public trust dahil sa unconstitutional na DAP, kasama pa ang kabiguan umano ng gobyerno na epektibong aksyunan ang problema ng mga naaapektuhan ng Zamboanga siege at bagyong Yolanda.
Kinumpirma naman ni Ridon na natanggap ng kanyang tanggapan ang complaint ni Lozano at pag aaralan niya ito at kung may makikita siyang bigat sa laman nito ay pwedeng i-incorporate sa ihahain nilang sariling impeachement complaint at libre naman ng abogado na maging bahagi nitong bilang isa sa mga complainants sa oras na pormal nang ihain sa kamara.
- Latest