Hepe ng kulungan sa Crame, sinibak sa puwesto

MANILA, Philippines - Tinanggal na sa puwesto ang hepe ng PNP-Custodial Center sa Camp Crame na si Supt. Mario Malana na pinalitan ni Supt. Peter Limbauan matapos ang kontrobersyal na isyu ng paglagpas sa visiting hours ng pamilya at mga kaibigan nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP-Public Information Office (PNP-PIO) na lumalabas sa imbestigasyon na hindi naipatupad ni Malana ang visitation policies sa dalawang nakakulong na  senador.

Nabatid na umani ng mga pagbatikos ang paglagpas sa visiting hours ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawang senador umpisa noong Hunyo 28 ng Sabado ng gabi na umabot nang hanggang alas-3:00 ng madaling araw kinabukasan ng linggo.

Show comments