MANILA, Philippines - Sa muling pagkakataon ay humirit si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa Sandiganbayan na makapagpiyansa para sa pansamantalang makalaya mula sa pagka-hospital arrest sa Veterans Hospital sa QC.
Ang hirit na piyansa ni Gng. Arroyo ay para sa kanyang kasong plunder na may kinalaman sa maanomalyang paggamit nito sa P336 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong siya pa ang Pangulo ng bansa.
Ayon kay Atty. Modesto Ticman Jr., abogado ni Mrs Arroyo kaya sila humirit na makapagpiyansa ay dahil pinayagan ang mga kapwa akusado nito sa naturang kaso tulad nina Jose Taruc V at Reynaldo Villar.
Binigyang diin ni Ticman na ang medical condition ni Gng. Arroyo ay nagpapakita na dapat itong payagang makapagpiyansa.