Rep. Gloria Arroyo pinasususpinde ng Sandigan
MANILA, Philippines - Siyamnapung-araw na pinasususpinde ng Sandiganbayan si Pampanga Rep Gloria Arroyo kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa ZTE deal na kasalukuyan ay naka-hospital arrest sa Veterans Hospital.
Ayon sa Sandiganbayan 4th division, kailangan nang itigil ni Arroyo ang tungkulin bilang representante ng lalawigan ng Pampanga dulot na rin ng kinasasangkutan nitong kaso.
Tulad nina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada na may kasong plunder at graft ay una nang inatasan ng Sandiganbayan na suspendihin sa puwesto dahilan sa naturang kaso.
Alinsunod sa batas, kapag may kasong kriminal ang isang opisyal ng gobyerno ay nararapat lamang na ito ay suspendihin sa puwesto habang binubusisi ang kanyang kaso.
- Latest