MANILA, Philippines - Nasawi ang isang kawani ng Meralco na si Reginton Plaza, 37, residente sa no. 28 San Juan Bautista St., Payatas A., Quezon City nang pagbabarilin ito ng backrider ng isang nakamotorsiklo kahapon ng umaga.
Batay sa ulat, alas-7:30 ng umaga sa harap ng Sylvia Store na matatagpuan sa Molave Extension, Patayas A ay nasa tindahan ang biktima at nagmimiryenda nang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.
Bumaba ang lalaking angkas ng motor at nilapitan ang biktima at kinausap. Ilang sandali, matapos ang pag-uusap ay bumalik na sa motorsiklo ang lalaki, hanggang sa magbunot ng baril ang kasama nitong nasa manibela at pinaputukan ang biktima.
Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng kakilala ng biktima ang mga suspek dahil nag-usap pa ang mga ito bago isagawa ang krimen.