Not guilty plea ipinasok ng korte kay Jinggoy

MANILA, Philippines - Hindi kumibo nang basahan ng sakdal kahapon ng Sandiganbayan 5th division si Senador Jinggoy Estrada kung kaya’t ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea kaugnay ng mga kaso nitong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam.

Tulad ng ginawa niya sa Sandiganbayan First division, ang negosyanteng si Janet Lim Napoles naman ay nagpasok ng not guilty plea kaugnay ng kaso may kinalaman sa pork scam.

Hindi rin nagpasok ng anumang plea sa nabanggit na arraignment ang iba pang kapwa akusado  ni Estrada na sina  dating DBM Undersecretary Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule at Marilou Bare.
Nagpasok naman ng not guilty plea sa naturang kaso si dating TRC Director General Dennis Cunanan.

Unang dumating si Estrada sa graft court kaysa kay Napoles, hindi naman nagkaharap ang mga ito at hindi nagkalingunan  nang patayuin sa arraignment bagamat pareho silang nasa kanang hanay ng upuan sa Sandiganbayan.

Matapos ang arraignment sa mga akusado, magkasunod na lumabas ng courtroom sina Napoles at Estrada.

 

Show comments