KFR leader, 1 pa todas sa mga awtoridad

MANILA, Philippines - Todas ang isang  notoryus na lider ng Kidnap for Ransom (KFR) group at kasama nito matapos manlaban sa mga tauhan Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa isang operasyon sa Brgy. San Roque, Gutalac, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Capt. Franco Suelto, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng PA, nakilala ang nasawing suspek na si Jaojin Salam, ang pangunahing suspek sa mga heinous at criminal acts sa southern portion ng  Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Suelto, si Salam ang siyang  pangunahing suspek sa ilang kidnapping cases tulad ng pagdukot sa tatlong crew ng M/T Marino na pag-aari ng Cebu Tug at Barge Inc. noong nakaraang November 29, 2009 sa Siocon; pagdukot kay Mr. Donald Capili, anak ng Filipino-Chinese businessman sa Liloy noong August 27, 2009  at pinaghihinalaang mastermind sa pagdukot kay Olivia Barredo Angeleson noong May 3, 2001 sa Brgy. Labuan, Zamboanga City.

Sa kanyang paghahari sa loob ng halos isang dekada ang naglagay sa kanya bilang ika-dalawa sa most wanted Person sa Region 9.

Nagwakas lamang ito nang madakip si Salam ng puwersa ng pamahalaan sa kanyang lungga sa Brgy. San Roque, Gulatac ZDN, ganap na alas-10:20 ng umaga habang isinisilbi ang warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder ay nanlaban umano ito kaya gumanti ang mga awtoridad na nagresulta ng kanyang pagkamatay at kanyang kasama na si Abdullah Emeron.

Narekober sa dalawa ang M14 rifle na may 13 magazine at assorted na bala.

 

Show comments