150 nalason sa pritong manok at itlog

MANILA, Philippines - Isinugod sa pagamutan ang may 150 katao matapos na malason sa handang pagkain sa isang pagtitipon sa South Cotabato.

Patuloy na ginagamot  sa South Cotabato Provincial Hospital  ang mga biktima kabilang ang mga kabataan at matanda na pawang naninirahan sa Sitio Lasgtik, Barangay Tabu Tampakan, South Cotabato.

Nabatid na nakaranas nang pagsusuka at pananakit ng tiyan ang mga biktima matapos na makakain ng naka-pack lunch na pritong manok, itlog at kanin dakong alas-12:00 ng tanghali.

Una na ring inihayag ng accounting clerk ng B’laan Foundation ng Barangay Tablu na si Cecile Mancho, nagpa-cater sila ng 200 pack lunch para sa isinagawang ge­neral assembly meeting na may kinalaman sa Banlas project.

Ang mga dumalo ay mga tribal members mula sa Sitio Tucayman, Manisi, Batu, Crossing, Lasgdik, Magga, Kolon Datal at Sitio Center ng Barangay Tablu.

Nagsimula umano ang nasabing pagtitipon alas-8:00 ng umaga at pagdating ng alas-12:00 ng tanghali, kumain ang mga biktima at pagkatapos umuwi na sa kanilang mga bahay. Pagkalipas ng limang oras ay naranasan na ng mga ito  ang sintomas ng food poisoning.

 

Show comments