MANILA, Philippines - Isang programa na magbibigay ng trabaho sa lahat ng mga nagtapos ng kursong technical at vocational course sa Metro Manila partikular sa Quezon City ang isinusulong ngayon sa ilalim ng Jobs Bridging ProgÂram ni QC Vice Mayor Joy Belmonte.
Ayon kay Belmonte na ang kanyang programa ay pag-mismatch o pagtatagpo ng mga graduates at trabaho para mabigyan ng hanapbuhay ang mga technical at vocational course graduates upang makatulong sila sa kanilang pamilya.
Katulong ng tanggapan ni Belmonte sa progÂramang ito ang TESDA, Department of Labor, Dept. of Social Welfare and Development at Meralco Foundation Inc. na inilunsad sa Trinoma QC.
May mahigit 50 kumpanya ang nakiisa sa proyektong ito na naglaan ng trabaho sa naturang mga graduates at libong mga graduates naman mula sa NCR ang nagsipag-aplay sa naturang mga kumpanya.