MANILA, Philippines - Pagkakulong mula 6 hanggang 10 taon ang inihatol ng Sandiganbayan 1st Division kay Aloguinsan, Cebu Mayor Cynthia Moreno at pitong iba pang opisyal ng bayan matapos mapatunayang guilty sa kasong paglabag sa Section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) dahil sa umanoy maanomalyang pagbili ng construction materials ng lokal na pamahalaan noong 2007.
Sa 27 pahinang deÂsisyon bukod kay Moreno kasama rin na mabibilanggo ang mga opisyal sa Bids and Awards Committee na kinabibilangan nina Municipal Civil Registrar Pepito Manguilimotan, Municipal Budget Officer Nonela Villegas, Municipal Agricultural Officer Marilyn Flordeliza, Utility Worker Gertrudes Ababon, Municipal Assessor John Lim, Utility Worker I Emilia Luz Celis at Municipal Engineer Orven Nengasca.
Bukod sa kulong, pinagbabawalan na rin ng batas na makapagtrabaho pa ang mga akusado sa alinmang tanggapan ng gobyerno.
Nag-ugat ang kaso sa pagbili ng 311 sheets ng composite aluminum paÂnels at iba pang construction materials ng lokal na pamahalaan na may halagang P1,190,037.50 mula sa Diamond Interior Industries Corporation (DIIC) nang walang naisagawang bidding para dito.
Ayon sa graft court na dapat sanay magkakaroon ng bidding para sa procurement ng mga materyales na may petsang August 25,2007,subalit hindi na ito nangyari dahil agad bumili ang mga akusado ng naturang mga materyales na anya ay nagkakutsabahan.