MANILA, Philippines - Dapat na sagutin ni Senador Juan Ponce Enrile ang lahat ng kaniyang gastusin sa ospital kung sakali na katigan ng Sandiganbayan ang “hospital arrestâ€dito kaugnay ng kasong plunder sa pagkakadawit nito sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ito ang inihayag ni PNP Health Service Director P/Chief Supt. Alejandro Advincula sa gitna na rin ng paghahanda ng PNP sa posibleng “hospital arrest†ni Enrile.
Anya, kapag pinayagan ng korte ang mosyon na inihain ng kampo ni Enrile at kapag ipinalabas na ang mandamyento de aresto ay nais ng kampo ni Enrile na sa pribadong hospital ito magpa-hospital arrest.
Bagaman may sariling doktor at espesyalista ang PNP ay maari namang suriin ng kaniyang personal na mangagamot ang Senador.
Dalawang kuwarto ang inihahanda ng PNP sa loob ng hospital, ang unang kuwarto ay isang specialty ward na may aircon, isang hospital bed na may oxygen, may banyo na naka-tiles at may sukat na 3.5 by 3 metriko kuwadrado.
Habang ang isa pang kuwarto ay tinawag namang Public Order Violators (POV) na may isang hospital bed, may comfort room na walang pintuan, walang electric outlet na may lawak na 2.5 by 4 square meter.
Kasalukuyan ay hinihintay pa ng PNP ang kautusang ibababa ng Sandiganbayan sa kaso ni Enrile.