MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) ang tinaguriang “Recto University “ o mga sindikato na namemeke at nanggagaya ng mga official documents, peso bills, diploma at iba pa nitong nakalipas na Linggo at Miyerkules na ikinaaresto ng 14 katao.
Sa ulat ni MPD-District Special Operations Unit (DSOU) chief C/Insp. Antonio Guanzon na sinalakay nila ang kahabaan ng CM Recto,Sta. Cruz, Maynila hinggil sa mga iligal na gawain kabilang ang pagdakip sa sangkot sa gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng gamot, medical products, mga opisyal na dokumento at pekeng pera.
Umabot sa 14 katao ang naaresto noong Miyerkules at noong Linggo.
Sa impormasyon ng pulisya maging ang mga pekeng plate number, pekeng P100, P500 at P1,000 bill ay naiimprenta ng mga nasabing sindikato na may kagagawan din ng mga naglabasang pekeng permit to carry ng baril.