Cha-cha magpapalobo sa ekonomiya

MANILA, Philippines - Iginiit ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa mga kapwa mambabatas nito na suportahan na ang kanyang Joint Resolution No. 01 na naglalayong amyendahan ang Saligang Batas o Charter Change (Chacha).

Aniya,  panahon na para makipagsabayan ang Pilipinas sa “momentum” at confidence ng mga investor sa ekonomiya.

Inihalimbawa ni Spea­ker Belmonte ang ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP kung saan ang fo­reign portfolio investments o “hot money” ay pumalo sa net inflow na 545.08 million dollars noong Mayo.
Bukod dito, target din umano ng mga banyagang negos­yante ang Pilipinas bilang “locator” ng key industries.
Giit ni Belmonte, kapag nakalusot ang Cha-Cha ay asahan na magbibigay ito ng lakas sa economic developments at pagpasok ng foreign investors, lalo’t maluwag na ang economic provisions.
Ang Cha-Cha Resolution ni Belmonte ay naisponsoran na sa plenaryo ng Kamara, subalit hindi pa rin  nasisimulan ang debate.

Show comments