MANILA, Philippines - Kinasuhan ng plunder sa tanggapan ng Ombudsman si Agriculture Secretary Proceso Alcala kaugnay ng umanoy naging papel nito sa pork barrel fund scam.
Ayon sa complainant na Youth Act Now, hindi maaaring makaligtas sa kaso si Alcala dahil lamang sa pagiging kaalyado ito ni Pangulong Noynoy Aquino.
Pauna lamang aniya ang pagsasampa ng kasong plunder kina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla at dapat na madagdagan pa ang mga ito ng mga opisyal ng gobyerno na nagkasala sa batas.
Una nang nilinaw ng Malacañang na wala silang sisinuhin sa mga kinakasuhan sa Ombudsman dahil hands off sila rito kahit na mga kaalyado pa nila ang kasuhan.