MANILA, Philippines - Nagsagawa ng emergency meeting ang local price coordinating council na pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at inilunsad ang Farmer-to-Consumer program na ang layunin ay bigyan ng proteksyon ang mga mamimili mula sa mga mapagsamantalang negosyante at price manipulators.
Sa nasabing progÂrama ang mga mamimili ng lungsod ay magkakaroon ng direct access na makabili ng mas murang agricultural products tulad ng sibuyas, bawang, bigas at iba pa upang tuluyan nang maglalaho ang mga middlemen na siyang ugat.
Nagkapit-bisig ang QC government at ang Department of Agriculture (DA) para direktang maiparating sa mga taga lunsod ang mas murang mga paninda at iba pang prime commodities upang hindi maapekÂtuhan ng tumitinding taas ng presyo ng mga bilihin sa mga palengke at pamilihan.
Magkakaroon ng direct access na makabili ng mas murang agricultural products tulad ng sibuyas,bawang, bigas at iba pa at tuloy maglalaho ang mga middlemen na siyang ugat ng pagtaas ng mahal na presyo ng mga bilihin sa ngayon.