^

Police Metro

Employers na hindi magre-remit ng SSS parurusahan

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahaharap sa mas mabigat na parusa ang mga employers na hindi  magreremit ng Social Security System (SSS) contribution ng kanilang mga empleyado.

Ito ang inihayag ni Bayan Muna Reps.Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate sa sandaling maisabatas ang inihain nilang House Bill 4405 na nagpapatibay sa Republic Act 8282 na inamyendahan sa ilalim ng Social Security Law.

Sa ilalim ng panukalang batas pagmumultahin ang mga employer na bigong makakapag-remit ng P25,000 at dagdag na P20,000 sa bawat P10,000 halaga ng SSS contribution at pagka­kabilanggo ng hindi kukulang sa walong taon, subalit hindi naman lalagpas sa 14 na taon.

Ayon kay Colmenares, umabot na sa 164,111 ang mga manggagawa na apektado ng non-remittance sa SSS contribution na aabot sa P94 B.

Nagsampa na ng kaso ang SSS sa 1,400 delinkwenteng kum­panya noong 2012 sa iba’t ibang paglabag na nagawa ng mga ito.

Bukod dito masyado din umanong mababa ang pension na natatanggap ng mga pensio­ners na aabot lamang sa P1,200 kada buwan na hindi naman sapat para sa araw-araw na gastusin.

AYON

BAYAN MUNA REPS

BUKOD

CARLOS ISAGANI ZARATE

HOUSE BILL

NERI COLMENARES

REPUBLIC ACT

SOCIAL SECURITY LAW

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with