^

Police Metro

Mga sabit sa pork scam tutugisin na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tutugisin na ng mga otoridad ang mga kinasuhan sa pork barrel scam makaraang ilunsad kahapon ang malawakang manhunt operations ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG)  laban sa iba pang mga kasamahan nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Ayon kay PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Benjamin Magalong, ipinakalat na nila ang mga tracker teams upang arestuhin ang mga res­pondents sa plunder raps na hindi pa lumulutang upang sumuko.

Bukod sa tracker teams ng PNP-CIDG ay nakaalerto rin ang iba pang police units upang arestuhin ang mga akusado sa pork barrel scam na kabilang sa naisyuhan ng warrant of arrest ng Sandiganbayan.

Kabilang naman sa mga pinaghahanap ay sina Ronald John Lim, pamangkin ni Napoles; Raymond de Asis, empleyado ng pork barrel queen; dating Deputy Chief of Staff ni Jinggoy na si Pauline Labayen at iba pa.

Inihayag naman ng Sandiganbayan na ikokonsiderang mga pugante ang iba pang mga akusado kapag tumanggi pa rin ang mga itong sumuko mula sa  sampung araw pagkaraang maipalabas ang warrant of arrest.

vuukle comment

BONG REVILLA

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPUTY CHIEF OF STAFF

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

PAULINE LABAYEN

RONALD JOHN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with