MANILA, Philippines - Nakatakdang basahan ng sakdal sa Hunyo 26 at Hunyo 30 sina Senator Jinggoy Estrada at Bong Revilla kaugnay ng kanilang kasong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam.
Agad nilinaw ni Renato Bocar, executive clerk of court ng Sandiganbayan na ang mga akusado na patuloy na nakakalaya ay isasagawa lamang ang arraignment sa sandaling mahuli na ang mga ito.
Si Revilla ay sinasabing kumolekta ng halagang P224.512 milÂyong kickbacks mula taong 2006 hanggang 2010 mula sa umanoy illegal na paglustay ng kanyang Priority Development Assistance Funds (PDAF) na nahaharap sa isang count ng plunder at 16 counts ng graft.
Si Jinggoy naman na nakakolekta umano ng P183.795 milyong komisyon mula sa kanyang PDAF mula 2004 hanggang 2012 na nahaharap sa isang count ng kasong plunder at 11 counts ng graft.