^

Police Metro

Jinggoy, Bong nakatakdang basahan ng sakdal

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang basahan ng sakdal sa Hunyo 26 at Hunyo 30 sina Senator Jinggoy Estrada at Bong Revilla kaugnay ng kanilang kasong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam.

Agad nilinaw ni Renato Bocar, executive clerk of court ng Sandiganbayan na ang mga akusado na patuloy na nakakalaya ay isasagawa lamang ang arraignment sa sandaling mahuli na ang mga ito.

Si Revilla ay sinasabing kumolekta ng halagang P224.512 mil­yong kickbacks mula taong  2006  hanggang 2010 mula sa umanoy illegal na paglustay ng kanyang Priority Development Assistance Funds (PDAF) na nahaharap sa isang count ng plunder at 16 counts ng graft.

Si Jinggoy naman na nakakolekta umano ng P183.795 milyong komisyon mula sa kanyang  PDAF mula 2004 hanggang  2012 na nahaharap sa isang  count ng kasong plunder at 11 counts ng graft.

BONG REVILLA

HUNYO

NAKATAKDANG

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUNDS

RENATO BOCAR

SANDIGANBAYAN

SENATOR JINGGOY ESTRADA

SI JINGGOY

SI REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with